Sa panahon ngayon kahit bata pa lamang ay pumapasok na agad
sa isang relasyon na kung saan ang ilan sa kanila ay wala pa sa wastong
kaisipan para mag “handle” ng isang relasyon.
Napaka sarap nga talagang isipin
na maraming tao sa atin ang nagmamahal. kabilang na diyan ang ating mga
magulang at ang mga taong dumarating sa ating buhay na kung saaan sa pag tibok
ng ating puso nakakaramdam tayo ng mga bagay na hindi maipaliwanag. Ang babae
kapag nahulog ang loob sa isang lalaki maginoo at kagalang-galang lubos na pag
ka kilig ang kanilang nararamdman.
Masakit man isipin sa
bawat pagkakataon may mga relasyon na nasisira, ngunit paano nga ba natin
malalaman na niloloko tayo ng ating ka relasyon, mahirap humusga sa ating kapwa
lalo na kung ang ating hinuhusgahan ay ang taong ating minamahal. Pero mas
masakit na hindi man natin nakikita, pero atin namang nararamdman.
Paano nga ba natin malalaman na niloloko na tayo n gating ka
relasyon . Marang dahilan o paraan para malaman natin ang mga ito sa
pamamagitan ng ating nararamdaman . narito ang ilansa mga komon na halimbawa:
-kung ang iyong ka
relasyon ay nag iba ang ugali nila kumapara sa una niyong pagsasama,
-hindi na niya pinapahalagahan ang mga bagay na ibinibigay
at ginagawa mo para sa kaniya,
-kung mas binibigyan pa niya ng importansya ang iba kesa sa
iyo.
-At kung nararamdaman mo nang alam mong may mali.
Sa panahon ngayon maraming relasyon ang nasisira sa ibat
ibang paraan, ang ilan sa kanila ay naghihiwalay sa mababang dahilan ngunit
hindi natin mapipigilan ang isang tao na iwan tayo, lalo’t hindi mo sya pag
mamay-ari. Pero alam nating lahat na kung mag mamahal ka kelangan handa kang
masaktan at handa kang harapin anuman ang hahantungan ng inyong relasyon dahil
hindi mo masasabing nag mahal ka kung hindi ka handang masaktan. Dahil ang
tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal o anumang material na bagay, dahil ang tunay na pagmamahal ay naka basi sa
kung ano ang kaya mo ibigay at kaya mong panindigan, dahil kung papasok ka sa
isang relasyon ay hindi para manakit o masaktan
kundi iparamdam na inibig mo siya dahil sa iyong pagmamahal na
naramdaman.
Comments
Post a Comment