Paano Manligaw Sa Babae:Tips Pano Mo Ligawan Ang Iyong Natitipuhan-Trending Article Ph


Ang panliligaw sa isang babae ay isang  paraan upang ma-ipakita mo sa isang babae at sa kanyang pamilya ang iyong magandang hangarin para sa kanya. Ang isang paraan noon na ginagawa ng mga lalaki na nanliligaw sa kanilang napupusuan ay ang tradisyonal na panliligaw ay ang pag haharana, na kung saan nag bibigay sila ng isang awitin sa isang babae sa pamamagitan ng pag kanta mula sa labas ng bahay ng babae. Dahil dito maaring makuha ng lalaki ang loob ng kanyang iniibig.

 Ngunit sa lumipas na mga panahon marami na ang nabago sa sistema ng panliligaw, kung noon kinakailngan mo na pumunta sa bahay ng babae at upang makilala ka ng kanyang magulang pero dahil sa isang modern na tayo ng pamamaraan ang ilan sa atin ngayon ay gumagamit nalamang ng  “cellphone” upang magkaroon ng kumunikayon at makapang ligaw. Dahil sa panahon ngayon kahit sa “text”  lang sinasagot na pero alam natin na ang pamamaraang ito ay kasalungat sa nakaraan na kung paano manligaw ang ating mga ninuno., at kahit saan mang angulo natin titingnan malaki ang pag babago nito hindi na natin nakikita sa ngayon yung pagiging maginoo at magalang. Gayun pa man alam parin natin na marami parin ang mga Filipino ang tumatangkilik sa ganung tradisyonal na paraan. May mga ilan rin na paraan ng panliligaw na talagang magbibigay ng kaalaman pag dating sa panliligaw at mabilis na makukuha ang loob ng isang babae.

-kung may nagugustuhan ka man na babae, ipakita mo sa kanya ang iyong pag galang

-kung umabot kana sa puntong liligawan mo na siya, ipakita mo kung anong ugali meron ka talaga.

-Maging magalang ka sa kaniyang magulang kung sakali man na makasalamuha mo ito.

-Dalhan mo ng mga paborito niyang pagkain at kung kaya mo itong bilhin, hindi naman mahalaga na ipilit mo ang iyong sarili na ibili yung isang bagay na gusto nya lalo pa’t wala kapang trabaho. Ang mahalaga ay naipapakita mo na sincre ka.

-Dalhin mo siya sa mga lugar na di pa niya napupuntahan o mga lugar na nais niya puntahan.

-at ang importante sa lahat ingatan at mahalin mo sya ng buong puso at walang pag aalinlangan.

Hindi naman natin kasalanan kung nabuhay tayo sa modernong panahon, dahil lumilipas talaga ang araw, pero ang mahalaga alam natin na kung ano ang tamang paraan ng panliligaw at hindi ka gumagawa ng bagay na makakasakit sa taong iyong nais ibigin.

Comments