Sign Para Malalaman Na May Gusto Sayo Ang Isang Babae-Trending Article Ph




Marahil ang lahat sa atin ay gusto rin na malaman kung gusto ba tayo ng isang babae, napaka sarap nga isipin na may mga taong nagkakagusto sa atin lalo pa kung gusto rin natin sila. Ang mga lalaki madalas nangungulit o nagpapansin sa isang babae na natitipuhan nila para din malaman kung may senyales na may pag-asa ito. Yung iba naman ay hinhingi agad ang numero ng babae sa kaibigan nito kapag nahihiya silang direktang hingin ito sa babae. Dahil ang lalaki ay agad na gumagawa ng paraan upang mag kakilala sila ng babaeng kanilang natitipuhan, bago pa sila maunahan ng iba dahil minsan hindi alam ng mga lalaki kung sila lang ba ang dumidiskarte o may iba pa.


Ang mga lalaki, pagdating sa panliligaw ayaw na ayaw nitong nag papatalo ang gusto nila sila lagi ang lamang kung sila man ay may karibal sa babae na kanilang nililigawan. Yung iba ay gagawin ang lahat upang makuha lang ang loob nito. ibang iba kung paano nila diskartihan ang mga babae ngunit kahit sila hindi rin nila alam kung gusto rin ba sila ng isang babae. Narito ang ilang mga senyales upang malaman natin kung ang isang babae ay may gusto din saiyo.


-Kapag hiningi mo ang kanilang number ay ibinigay sa iyo


-Mabilis siya mag response sa mga text mo


-kapag magaan ang loob niya sayo.


-hindi ka niya tinatarayan at ibang iba ang turing nya sayo kumpara sa iba nyang kakilala.


-Madalas siyang humingi ng pabor saiyo.


-Ayaw niya na umiinom ka o naninigarilyo.


-Pinag babawalan ka niya gawin ang mga bagay na mali.


-Madalas ka niya kamustahin


-Ayaw niyang nagseselos ka o nag tatampo.


-Inaamin niya sayo na naaalala ka niya bago siya matulog.


-Kapag pumayag siya na ligawan ka niya.


Gayun pa man ilan lang ito sa mga senyales na pwedeng magbigay sa atin ng ediya na gusto tayo ng isang babae, Ngnunit malalaman lang natin ito ng buong-buo at tunay kung manggagaling mismo sa bibig ng babae ang katagang “mahal na rin kita” at kaya mo ipakita na talagang siya lang at wala ng iba. Dahil kapag ang isang tiwala ay ibinigay at iyon ay nawala mahirap ng ibalik, nararapat lang na suklian natin ang mga taong binigay ang kanilang pagmamahal para sa atin at hindi dapat natin ito sayangin pa. Maging kuntito tayo sa mga taong alam natin na totoo ang pagmamahal na kanilang ibinibigay.

Comments