Paano Tumagal Ang Isang Relasyon: Ilang Paraan Na Talagang Makakatulong Sa Iyo-Trending Article



Ang pagkakaroon ng isang masayang relasyon ay nag dudulot ng matagal na samahan at masaganang pamumuhay. Ang isang relasyon ay nasusubok upang malaman kung hanggang  saan nila kayang haraapin ang lahat ng iyon ang ilan sa mga ito ay hindi nakakayanan ang mga pag subok sa kanilang dalawa, ngunit mas marami parin ang handang mag sakripisyo para sa kanilang samahan at ang napaka halagang bagay sa relasyon ay ang sentro ng inyong pagmamahal ay ang Dyos.

Ang  isang relasyon ay tumatagal lamang kung ang bawat isa sa kanila ay marnunong umunawa at umintindi. Dahil mahirap mag sama ang dalawang taong hindi marunong umunawa, kaya kinakailanagan na isa sa kanila ay marunong mag pakumbaba upang mas magkaroon sila ng maayos na pagsasama, hindi magiging malusog ang isang relasyon kung laging nag aaaway at hindi nag paparaya ang isa.  Importante rin ang inyong “Loyalty” at “Honesty” sa -isat isa na walang itinatago na maaring ika sira ng isang pagsasama at sa pamamagitan nito mas lalo pang pagtitibayin  ang relasyon. At wag mong naisin na magkaroon ng “Afair”  sa iba dahil isa ito sa mga bagay na napaka sakit para sa taong iyong minamahal lalo’t lubos na pagmamahal at katapatan ang kanyang ibinibigay sa pang araw araw ninyong pagsasama. Ibigay mo ang iyong “best” para siya ay mapasaya at lubos na ikaw ay kanyang ibigin.

Dahil walang ibang tao ang makapag hihiwalay sa inyo, kundi kayong dalawa lang. dahil kayo ang may hawak ng inyong relasyon, at kung may pagkakataon man na kayo ay nag aaway ugaliin lamang ninyo na mas mangibabaw ang inyong pag mamahalan sa isat isa kesa ang galit na inyong nararamdaman.

Natural sa atin ang magkaroon ng ganitong pagkakataon ngunit  hindi rin maganda para sa atin at maging sa iba na maranasan ito, kaya’t hanggang maari iwasan natin ang mga ganitong sitwasyon bagkus maging isa tayong magandang halimbawa sa iba na may maunawaing pag iisip at marunong makuntinto sa kung anong meron tayo. Ang tunay at wagas na pag-ibig ay nakabasi sa dalawang taong nagmamahalan, at sila lang ang makaka patunay na sa pag mamahalan nilang wagas ay may walang hanggan.

Comments