Masarap malaman na yung taong gusto mo ay gusto ka din, pero minsan may mga bagay talaga na hindi para sa atin, na kung saan
tinatanggap nalang natin ito ng maayos. Ang mga babae kapag may natitipuhan na lalaki, inaantay nila na mapansin sila nito di gaya sa lalaki na kapag may
gusto ito sila mismo ang lalapit rito upang mag pakilala. Ang ilan sa mga
kababaihan ay humihingi pa ng tulong sa mga kaibigan para lang mapansin nito
ang ilan naman ay hinihingi na talaga ang numero ng cellphone nang sa ganun,
mag karoon na sila ng kumunikasyon at makapag usap maari narin niya sabihin sa
lalaki kung ano nga ba ang tunay niyang pagtingin.
May mga paraan at talagang malalaman natin na mahal na din
tayo ng isang lalaki
-kung ang lalaki ay gusto kang ihatid lagi sa bahay niyo
mula sa paaralan isang senyales na iyon na siya ay may pagtingin sa iyo.
-kapag madalas ka niya bigayn ng pag kain na gusto mo.
-Lagi ka niyang kinakamusta sa iyong mga gingawa.
-kung madalas ka niya tanungin kung kumain kana
-kung lagi sya nandyan sa oras na kailngan mo ng karamay
-Pinapag tanggol ka niya sa lahat ng bagay.
-kapag ayaw ka niya napapagod o nasasaktan
-kapag lagi ka nya binabati sa umaga.
-kung sinabi nya na natutuwa siya sa iyo.
-Kung gusto ka niya laging kasama.
-kung kinukulit ka niya para lang mapansin ka.
-kung niyaya ka niya na kumain sa labas
-kung kinukuha niya ang iyong bag para siya ang mag dala.
-kung nirerespito ka niya at ginagalang
-Ayaw ka niya na mabastos ng iba.
- at ang huli ay kung binaggit na niya ang mga kataga na
“Maari ba kitang ligawan”?
Comments
Post a Comment